Naniniwala akong
Mayroong simula
Upang may magbigay-daan
Sa pagwawakas
Ng kuwento,
Ng pangarap,
Ng buhay,
Upang mabatid ang dahilan
Sa likod ng mga pangyayaring
Nagbubuklod
Sa mga tauhan
Nakakalungkot man,
Nakakatuwa,
Nakakamuhi,
O nakakawasak man ng katinuan.
At upang ang ilang linya
Ng kalituan ay panandaliang
Mamaalam sa paglikha
Ng mga kabit-kabit na salitang
Madalas ay nagpapanggap na
Saka na muna,
Marahil, mga ilang sandali rin
Ng pamamahinga…
Published: Dangadang V.5©
