Sunday, February 24, 2008

Gloria, walang bumili sa iyong pakana

unti-unti tayong hinuhubaran
ng dangal
pilit tayong sinasanay sa
amoy ng pulbura
at hugis ng .45 at m16
upang huwag tayong magalit
sa paggamit ng dahas
upang mamanhid tayo
tuwing me bubulagta't
binarbikyu ng bala.

gusto nilang
huwag na tayong magulat
sa mga headlines ng korapsyon
at kasinungalingan
ayaw nila tayong mag-aklas

dahil akala nila
mapipigilan ng bala
ang papalapit na sigwa.

No comments: